Monday, 12 August 2019

BINAGOONGANG BABOY Recipe


MGA SANGKAP:

1/2 kilong baboy, hiniwa ng pira-piraso

1 kutsarang ulo ng bawang, pinitpit

1 sibuyas, hiniwa ng manipis

1 malaking kamatis na hiniwa ng manipis

1/2 tasang bagoong alamang

1/2 tasang suka

2 tasang tubig

1/4 tasang mantika


PARAAN NG PAGLUTO:

1. Iprito ang baboy sa mainit na mantika.

2. Igisa ito sa bawang, sibuyas at kamatis.

3. Idagdag ang natirang sangkap hanggang lumambot ang baboy.

4. Kung nanaisin, hayaang lumapot ang sarsa sa pamamagitan ng patuloy na pagkulo ng sabaw ng baboy sa mahinang apoy.

5. Ihain kasama ang bagong lutong kanin.


AFRITADANG MANOK AT BABOY Recipe


MGA SANGKAP:

1 kilong manok, hiniwa ng katam-tamang laki

1/2 kilong baboy, hiniwa ng pakuwadrado (tig-1 1/2 pulgada)

4 na ulo ng bawang, pinitpit

1 sibuyas, tinadtad

4 lata ng tomato sauce

2 tasang tubig

1 pirasong dahon ng laurel

1 kaputol ng oregano

1 siling pula, hiniwa ng pakuwadrado (tig-1 pulgada)

4 na katamtamang laking patatas, hiniwa-hiwa (tig- pulgada)

1/2 tasang gisantes

1/2 tasang pimenton, hiniwa-hiwa (tig-1 pulgada)

asin at paminta

arina

mantika


PARAAN NG PAGLUTO:

1. Pagulungin sa pinaghalong arina, asin at paminta ang manok at baboy.

2. Pirituhin ang karne nang bahagya sa mantika.

3. Sa isang kawali, igisa ang bawang, sibuyas, kamatis at ihalo ang tomato sauce.

4. Ibuhos ang 2 tasang tubig at pakuluin. Idagdag ang piniritong manok at baboy.

5. Isama ang dahon ng laurel, oregano at siling pula.

6. Pakuluan ng 30 minuto o hanggang lumambot.

7. Idagdag ang patatas at lutuing maigi.

8. Timplahan ng asin at paminta nang naayon sa panlasa.

9. Maari ding palaputin ang sarsa sa pamamagitan ng paghalo ng arina na tinunaw sa tubig.

10. Idagdag ang gisantes at pimenton hanggang maluto.

11. Ihain kasama ang bagong lutong kanin.



SARSIADONG BABOY Recipe


MGA SANGKAP:

1/2 kilong baboy

2 tasang gisantes

3 katam-tamang laki ng siling pula at berde

2 kutsarang arina

2 kamatis, hiniwa-hiwa

1 sibuyas, hiniwa-hiwa

3 ulo ng bawang, pinitpit

asin

mantika



PARAAN NG PAGLUTO:

1. Igisa ang bawang , sibuyas at kamatis sa mantika.

2. Idagdag ang baboy at lutuing maigi.

3. Idagdag ang 2 tasang tubig at pakuluan ng 5 minuto.

4. Idagdag ang siling pula at berde, gisantes.

5. Lutuin ng 5-10 minuto.

6. Idagdag ang arina at halu-haluin.

7. Ihain kasama ang bagong lutong kanin.


ADOBONG MANOK at BABOY Recipe


MGA SANGKAP:

1/2 kilong manok, hiniwa ng katam-tamang laki

1 kilong baboy, hiniwa ng pakuwadrado (tig-1 1/2 pulgada)

1 tasang sukang paombong

1 tasang tubig

2 kutsarang pinitpit na bawang

2 kutsaritang asin

2 pirasong dahon ng laurel

1/2 kutsaritang paminta

toyo

mantika


PARAAN NG PAGLUTO:

1. Paghaluin ang suka, tubig, bawang, asin, dahon ng laurel at paminta sa isang malaking kaserola at pakuluin.

2. Idagdag ang manok at baboy, takpan at hintaying kumulo.

3. Pagka-kulo, hinaan ang apoy at lutuin ng 30 minuto pa.

4. Timplahan ng toyo at lutuin ng 10 minuto.

5. Tanggalin ang karne at hayaang lumapot ang sarsa.

6. Hanguin ang sarsa at isalin sa isang mangkok.

7. Maglagay ng mantika sa kawali at pirituhin ang karne.

8. Tanggalin ang mantika mula sa kawali, at ihalo ang natirang sarsa sa piniritong karne.

9. Ihain kasama ang bagong lutong kanin.


ADOBONG ANTIGO Recipe-Pinoy Style



MGA SANGKAP:


1 kilong manok o baboy, hiniwa ng pira-piraso

1/4 tasang gin o rum

4 kutsaritang toyo

5 ulo ng bawang

2 kutsaritang asin

1 tasang suka

1 tasang sabaw ng buko

1 maliit na ulo ng bawang, pinitpit



PARAAN NG PAGLUTO:


1. Ibabad ang karne sa gin o rum, toyo, bawang, asin, paminta at suka ng 2 oras.

2. Hanguin.

3. Pirituhin ang karne hanggang sa ito'y mamula.

4. Bawasan ng mantika at idagdag ang sabaw ng buko.

5. Pakuluan hanggang lumambot ang karne o hanggang lumabas ang mantika ng karne.

6. Pirituhin ang bawang at ibudbod sa ibabaw bago ihain na nasa ibabaw ang bagong lutong kanin.