Monday, 12 August 2019

AFRITADANG MANOK AT BABOY Recipe


MGA SANGKAP:

1 kilong manok, hiniwa ng katam-tamang laki

1/2 kilong baboy, hiniwa ng pakuwadrado (tig-1 1/2 pulgada)

4 na ulo ng bawang, pinitpit

1 sibuyas, tinadtad

4 lata ng tomato sauce

2 tasang tubig

1 pirasong dahon ng laurel

1 kaputol ng oregano

1 siling pula, hiniwa ng pakuwadrado (tig-1 pulgada)

4 na katamtamang laking patatas, hiniwa-hiwa (tig- pulgada)

1/2 tasang gisantes

1/2 tasang pimenton, hiniwa-hiwa (tig-1 pulgada)

asin at paminta

arina

mantika


PARAAN NG PAGLUTO:

1. Pagulungin sa pinaghalong arina, asin at paminta ang manok at baboy.

2. Pirituhin ang karne nang bahagya sa mantika.

3. Sa isang kawali, igisa ang bawang, sibuyas, kamatis at ihalo ang tomato sauce.

4. Ibuhos ang 2 tasang tubig at pakuluin. Idagdag ang piniritong manok at baboy.

5. Isama ang dahon ng laurel, oregano at siling pula.

6. Pakuluan ng 30 minuto o hanggang lumambot.

7. Idagdag ang patatas at lutuing maigi.

8. Timplahan ng asin at paminta nang naayon sa panlasa.

9. Maari ding palaputin ang sarsa sa pamamagitan ng paghalo ng arina na tinunaw sa tubig.

10. Idagdag ang gisantes at pimenton hanggang maluto.

11. Ihain kasama ang bagong lutong kanin.



No comments:

Post a Comment