MGA SANGKAP:
1/2 kilong manok, hiniwa ng katam-tamang laki
1 kilong baboy, hiniwa ng pakuwadrado (tig-1 1/2 pulgada)
1 tasang sukang paombong
1 tasang tubig
2 kutsarang pinitpit na bawang
2 kutsaritang asin
2 pirasong dahon ng laurel
1/2 kutsaritang paminta
toyo
mantika
PARAAN NG PAGLUTO:
1. Paghaluin ang suka, tubig, bawang, asin, dahon ng laurel at paminta sa isang malaking kaserola at pakuluin.
2. Idagdag ang manok at baboy, takpan at hintaying kumulo.
3. Pagka-kulo, hinaan ang apoy at lutuin ng 30 minuto pa.
4. Timplahan ng toyo at lutuin ng 10 minuto.
5. Tanggalin ang karne at hayaang lumapot ang sarsa.
6. Hanguin ang sarsa at isalin sa isang mangkok.
7. Maglagay ng mantika sa kawali at pirituhin ang karne.
8. Tanggalin ang mantika mula sa kawali, at ihalo ang natirang sarsa sa piniritong karne.
9. Ihain kasama ang bagong lutong kanin.
No comments:
Post a Comment