Monday, 12 August 2019

ADOBONG ANTIGO Recipe-Pinoy Style



MGA SANGKAP:


1 kilong manok o baboy, hiniwa ng pira-piraso

1/4 tasang gin o rum

4 kutsaritang toyo

5 ulo ng bawang

2 kutsaritang asin

1 tasang suka

1 tasang sabaw ng buko

1 maliit na ulo ng bawang, pinitpit



PARAAN NG PAGLUTO:


1. Ibabad ang karne sa gin o rum, toyo, bawang, asin, paminta at suka ng 2 oras.

2. Hanguin.

3. Pirituhin ang karne hanggang sa ito'y mamula.

4. Bawasan ng mantika at idagdag ang sabaw ng buko.

5. Pakuluan hanggang lumambot ang karne o hanggang lumabas ang mantika ng karne.

6. Pirituhin ang bawang at ibudbod sa ibabaw bago ihain na nasa ibabaw ang bagong lutong kanin.



No comments:

Post a Comment